Bilang tugon sa direktiba ng Pangulo na maiangat ang MSME sector, nilikha ang programang Pondo sa Pagbabago at Pag-asenso (P3) ng gobyerno. Ito ay naglalayong matulungan ang mga maliliit na negosyanteng makahanap ng alternatibong mapagkukunan ng karagdagang puhunan, kapalit sa 5-6 lending, at mapalago ang kanilang negosyo sa tulong na rin ng serbisyo ng Negosyo Center. Isinusulong ng programang ito ang:
- Mas mabilis na pautang – isang araw ang pagproseso
- Mas mababang interes – maximum 2.5% kada buwan
- Magaan na pagbabayad – araw-araw/lingguhan ang koleksyon
Sino ang makikinabang sa P3 Lending Program?
Target ng programang ito na maabot ang mga maliliit na negosyante tulad ng market vendors at agri-businessmen na humihiram sa kasalukuyan sa 5-6 lending.
Magkano ang pwedeng utangin sa P3 Lending Program?
Para sa mga nagnanais na mapalaki ang kanilang negosyo, makakahiram ng mula PhP5,000.00 hanggang PhP100,000.00 mula sa programa.
Saan pwedeng lumapit at mag-apply ng P3 Lending Program
Upang lubos na maunawaan ang P3, pumunta sa pinakamalapit na Negosyo Center para sa kaukulang payo o sa mga sumusunod na National-Level conduits ng SB Corp.:
- RFC – Radiowealth Finance Company
- 52 DMG Center, 8/F D.M. Guevara Street, Mandaluyong City
- T: (02) 571.4401 to 05
- M: (0998) 998.8080 – Smart | (0917) 679.8080 Globe
- E: [email protected]
- TSKI – Taytay sa Kauswagan, Inc.
- National Highway, Brgy. Mali-Ao Pavia, Iloilo
- T: (033) 320.3958 | (033) 329.5547
- E: [email protected]
- MASS-SPECC – Mindanao Alliance of Self-Help Societies – Southern Philippines Educational Cooperative Center
- Tiano-Yacapin Streets, Cagayan de Oro City
- T: (088) 856.5753
- F: (032) 234.4500
Maaari ring makipag-ugnayan sa mga accredited na lokal na kooperatiba at organisasyon sa inyong lugar. Ang kumpletong listahan ay maaaring makita sa website ng SB Corp (link).
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring tumawag sa Small Business Corporation P3 Hotline (T: (02)813.5711; (02)751.1888 o magpadala ng email sa [email protected]). Maaari ring tumawag sa: DTI Direct: (02) 751.3330: (0917) 834.3330 o bumisita sa Negosyo Center o DTI Office malapit sa inyong lugar.
Source: dti.gov.ph and ABC-CBN News
Leave a Reply