Ito ang ilan sa mga katanungan na sinagot ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) patungkol sa SAC Form o ang Social Amelioration Card Form.
Sinimulan na pong i-reproduce and Social Amelioration Card para sa ayudang PhP 5,000 – PhP 8,000 na ang magbibigay at magvavalidate ay. DSWD National dahil ang pondo po ay sa kanila manggagaling.
How to fill out SAC Form
Frequently Asked Questions
1. Bawal ba na kami na lang mag-photocopy or xerox ng form?
Bawal po. Dahil may control number na sa DSWD mismo manggagaling.
2. Sino sino ang mabibigyan ng SAC Form?
Lahat po ng qualified na pamilya ay bibigyan ng form. Kung tatlong (3) pamilya kayo sa isang bahay, tatlo (3) din ang form. Same process pa din tayo. House to house distribution pa din.
3. Nasa Barangay o na kay Kap na ba ang pera?
Wala po. Nasa DSWD. Sila po ang magbibigay ng pera sa pamilya.
4. Sino ang maghahatid ng SAC Form?
Mga empleyado ng ating barangay, mga volunteers at inyong purok leaders.
5. Kanino ibabalik ang SAC Form?
Kokolektahin ulit ng ating mga barangay employees with volunteers at ang inyong Purok Leader.
6. Libre po ba ang SAC Form?
Opo, libre po ang form. Dalawang (2) kopya ng form ang inyong matatanggap ng libre. Ang isa (1) ay ibabalik ninyo at ang isa (1) naman na kopya ay maiiwan sa inyo.
Sa ngayon ito pa lamang ang update na pwede naming maibigay. Kung meron pong karagdagang information sa National ay agad naming ipapaalam sa inyo.
- List of Beneficiaries of Social Amelioration Program
- How to Avail the DSWD Social Amelioration Program
- COVID-19 Hazard Pay for Government Employees | Guidelines
- State of Calamity Throughout the Philippines for a Period of Six (6) Months
Source: DSWD via National Government Portal
Magandang araw po.isa po Yung Asawa ko nawalang Ng trabaho dahil sa pandemic na nangyari sa ating bansa ngayon sa DILG sila naasigh bilang janitor .no work no pay po sila . Pano PO kami maka avail sa SAP na Wala mn Lang kumonsulta sa Amin dito Kung qualified ba kami o hindi.tapos Nung malalaman namin na bigayan na Ang nakakuha Yung may mga tindahan na kumikita nmn sa panahon ngayon .Sana Naman naging patas nman kau.may maliit po kaming anak pinapagatas dalawang buwan na hanggang ngayon Wala PO kami Ng natatanggap na cash assistance galing sa gobyerno.
Dito sa barangay Victoria Reyes Dasmariñas city Cavite bawat bahay Isa Lang binibigay na form kahit dalawa pamilya nakatira at nag hahati sa upa may dalawang senior citizen kami at sa isang pamilya may pwd, sa huli dun nalang sa may pwd binigay
Isa po akong guwardiya at ama ng tahanan na naipit dito sa manila kasama ang isa kong anak na nagtatrabaho sa call center. Nagsara po ang aking binabantayan samantalang ang aking anak ay hindi rin makapasok gawa ng walang masasakyan. Kami po ba ay pwedeng mag-avail ng Social Amelioration?
Sir/ma’am,ang parents ko po nagbisita lang sana sa amin kaso d na nakauwi gawa sa lockdown,d na ba cla makaavail ng tulong mula sa gov’t.natin kasi daw wala cla sa lugar nila,tama po ba yan thanks po sa reply (senior citizen na po ang parents ko,74ang tatay ko at 73 ang nanay ko at ang nanay ko po wala pa xang allowance na makuha sa senior eversince)thanks n keepsafe everyone
Bakit dito po samin sa bikol taga camarines sur ako iriga city,san roque zone 6, pili lang binigyan 3 po kaming pamilya sa iisang bahay pero bakit po iilan lng binigyan at di kami qualified yung kagawad po namin mga multicab driver lng po binigyan..pero ok lng po gusto ko lang malaman ang rason kung bakit ganun po?pili lng ba tlga ang binibigyan?me mga trabaho naman po kami kaso dahil sa lockdown wala po kaming mga trabaho kaya tyaga na muna sa sardinas at kaonting ipon namin kaya nakaka raos din po..salamat po kung masagot nyo katanungan ko ..
Magandang araw po..isa po ako single mother ng apat na bata.pero hindi po ako nakapag apply ng single parent,isa po ako sa manggagawa ng no work no pay..makakakuha po ba ako ng ayoda na mangagaling sa gobyerno.?
Lahat po ba makakatangap ng SAC form ?
Dito samin po wla pang binibigay pero nong april.2 meron nag ikot dito may pina pa fill up pan kami pero hindi sya sa dswd kasi wla syang naka lagay tapos halfbandpaper lang sya,at xerox lang sya
Isa po ako sa wlang wla na wla rin na kukuha sa dole may anak akong 2years old hirap akong maka hanap ng pang gatas nya kasi ubos na ipon ko sa pang gatas pampers nya at pang kain namin,sana may makuha po ako
Ako po ay nasa Taiwan wala Naman ako trabaho nasa bahay Lang ako Ng byanan ko.maka avail po ba anak ko NASA pinas siya?siya Lang ang NASA bahay Namin .Sabi Kasi doon walang makuha ang anak ko dahil nandito ako SA taiwan.lahat Naman Tayo na apiktuhan SA virus bakit pinipili Lang Kung sino ang maka tanggal
ang alam ko dapat lahat mabigyan..maliban sa mga mayayaman..kahit nagtatrabaho sa office or BPO..dahil kung di kami papasok no work no pay din kami..paubos ng leave credits namin..wala namang sasakyan bibiyahe..at kung mkarating kami sa trabaho..paano na pamilya namin kung kami mainfect..ibigay na ang para kay pedro..at ang kay Juan kay Juan..makonsensya naman kayo !
Pag hindi kba sa lugar mo hindi po ba mkatanggap?ofw po ako at paalis pero hindi mkaalis.makakakuha po ba ako d2 kahit hindi ko lugar?
Isa poh akong Owf n na cansel flight dpat poh nung March 15 alis ko..Wala.ako hnap buhay ako lng bumubuhay sa mga anak ko.paano poh ba maka avail ng dswd..salamat poh
Paano po yung mga pamilya na naipit sa ibang lugar at hindi nakauwi sa lugar kung saan sila nakarehistro? Paano po nila maaavail yung ayuda from dswd? Hindi naman po sila makakauwi sa mga lugar nila dahil walang masasakyan.
Dadaan ba sa mga accounts ng LGUs ang cash payment transactions o direct from the national agency to the actual beneficiaries?
good evening po d2 po sa lugar namin sa Cainta Rizal brgy. San Isidro karangalan village parang parang hirap umasa sa mga tao sa brgy. ksi po kung relief goods hirap cla ibahay bahay yan po pa kaya na SAC. salamat po God bless