Social Amelioration Program FAQs | Mga Sagot Mula sa DSWD

Nagbigay ng mga kasagutan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga katanungan ng taong bayan ukol sa Social Amelioration Program.

Ano ang Social Amelioration Progam?

Sa Social Amelioration Program (SAP), ang nasyunal na pamahalaan ay magbibigay ng tulong-pinansyal sa mga sambahayan na pinakang naapektuhan ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine upang matugunan ang kanilang agarang mga pangangailangan.

Ang pagpapatupad nito ay nakabase sa Republic Act 11469 o Bayanihan to Heal as Once Act.

Magkano ang matatanggap ng mga kwalipikadong sambahayan?

PhP 5,000 hanggang PhP 8,000 ang matatanggap ng kada kwalipikadong sambahayan. Ito ay nakabase sa minimum wage ng bawat rehiyon.

Sinu-sino ang maaaring makatanggap ng ayuda ng SAP?

Bibigyan ng prayoridad ang mga sambayahang nasa imporamal na sektor na nawalan ng trabaho/sweldo o pinagkakakitaan habang may enhanced community quarantine at ang mga sambahayang may miyembrong kasama sa bulnerableng sektor tulad ng senior citizens, PWDs, IPs, buntis, homeless families, at OFWs in distress.

Sinu-sino ang maaaring hindi mapabilang dito?

Lahat ng tuloy-tuloy ang sahod o kita sa panahon ng enhanced community quarantine ay maaaring hindi mapabilang sa programang ito.

Halimbawa nito ay mga propesyunal (dahil informal sector and target dito), empleyado ng gobyerno (dahil tuloy-tuloy ang kanilang sahod), may-ari ng grocery store o sari-sari store (kung sila ay kumikita pa rin), bagger o kahera ng mga bukas na grocery store at mga work from home na empleyado (dahil may sweldo pa rin sila).

Tandaan: Ang prayoridad dito ay ang mga labis na naapektuhan ng enhanced community quarantine.

Paano kung sa isang sambahayan ay mayroong miyembro na kasali sa iba’t ibang sektor?

Ang sambahayang mayroong miyembro kabilang sa iba-ibang sektor ay maituturing bilang isang sambahayan lamang. Halimbawa nito ay isang sambahayan na may dalawang senior citizen at isang PWD.

Ang ayuda ng SAP ay para sa kada sambahayan at hindi kada indibidwal na miyembro ng bulnerableng sektor.

Paano kung may dalawang pamilya sa isang bahay?

Ang ayuda sa ilalim ng SAP ay para sa isang sambahayan. Maaaring mapabilang na dalawang sambahayan ang dalawang pamilya sa isang bahay depende sa assessment ng local social welfare and development office ayon sa batayan ng DSWD.

Tandaan: Kung maituturing silang dalawang sambahayan, maaaring pareho o isa lang ang makatanggap ng ayuda depende sa kanilang kwalipikasyon at assessment.

Lahat ba ay makakatanggap nito?

Hindi lahat ay makakatanggap ng ayuda sa ilalim ng SAP. Ang mga lokal na pamahalaan ay inaasahang tuloy-tuloy pa rin ang pagbibigay ng tulong sa mga naapektuhan at bigyang prayoridad ang mga hindi napabilang dito sapagkat ang SAP ay dagdag tulong (augmentation) lamang ng lokal na pamahalaan.

Kailan ito matatanggap?

Ang mga lokal na pamahalaan, sa pamamagitan ng C/MSWDO, ay magsusumite ng mga dokumento sa DSWD Field Office para maproseso ang pondo para rito.

Alinsunod sa guidelines, ang pagbabahagi ng ayuda sa mga kwalipikadong benepisyaryo ay tatapusin sa loob ng pitong araw pagkatapos matanggap ng lokal na pamahalaan ang pondo mula sa DSWD.

Read Also:

Source: DSWD Region IV-A Facebook Page

BE UPDATED!

Sign up and be the first one to get notified on new updates from GovernmentPH.com about job opportunities, free seminars and trainings, scholarship, and government memorandum circulars.

5 Comments

  1. Bkit po wala naman po kami na tanggap sa dswd at dole no work solo present contact po kayo para malaman ko po kung bkit 4ps din po hindi nakatanggap salamat

  2. tag Mindanao.po ako CDO.sana po mabigyan po naman kami ng pansin apat po anak ko wala ngtrabaho asawa ko isa construction worker.wala na pong kaming ibang hnapbuhay.sana is a po kami sa mabibigyan ng cash assistance galing po sa goberyno.wala pa pong form binibigay sa amin.malaking tulong n po ang (SAP) para sa aming pamilya.godbless po.

  3. Help us for dole
    Name of company : philfoods fresh -baked products, INC
    Address: Liip, Mamplasan, Biñan 4038 laguna
    Contact Admin : 09985827478
    Name of employee :Jhonpen B. Castillo
    Age: 27
    Sex: Male
    Address : Brgy. Macabling, buenaRosa9 santa Rosa ,laguna
    Contac number 09397136533
    Designation /position contructual
    Salary :400
    Wla pa po akong natatangap for dole

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*