Kailan ang simula ng SSS Loan Restructuring Program?
Mahigit sa 250,000 miyembro ng Social Security System (SSS) ang makikinabang sa SSS Loan Restructuring Program (LRP) na may penalty condonation na iaalok nito simula sa Abril 2 hanggang Oktubre 1, 2018.
UPDATE: SSS Loan Restructuring Program will be extended until April 1, 2019 LINK()
Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Emmanuel F. Dooc, ipapatupad muli ang LRP na magtatanggal sa mga multa ng utang bilang tugon sa malawakang kahilingan ng mga miyembrong may utang sa SSS na hindi nakinabang sa unang LRP na ipinatupad noong Abril 2016 hanggang Abril 2017.
Unang ipinatupad ng SSS ang LRP noong Abril 2016 na tumakbo ng isang taon. Kumita ang pension fund ng halos P6 na bilyon mula sa mahigit 800,000 miyembro na nakinabang sa LRP.
“Kahit na marami ang nakinabang na miyembro sa unang implementasyon ng LRP noong 2016, marami pa din ang humingi na habaan ang pagpapatupad o di kaya ay muling ipatupad ito. Sa aking pagkakatanda, bumuhos ang aming mga miyembro sa aming branch offices na nag-aapply sa LRP noong Abril 26, 2017 na huling araw ng application dito. Kaya naman, para sa mga miyembro na hindi pinalad na makapag-apply ng LRP noong 2016, ito na ang inyong pagkakataon na linisin ang inyong pagkakautang at ibalik ang mabuting katayuan sa SSS,” ani Dooc.
Sa LRP, pinahihintulutan ang miyembro na bayaran ang principal ng utang na hindi nabayaran kasama ang interes ng isang bayaran lamang o hulugan sa ilalim ng isang restructured term na naaayon sa kapasidad ng miyembro. Lahat ng 256 SSS branches at service offices sa buong bansa ay magsisimulang tumanggap ng aplikasyon sa LRP simula Abril 2, 2018. Ang mga kwalipikadong miyembro ay mayroon lamang anim na buwan o hanggang Oktubre 1, 2018 para mag-apply sa programa.
Sa LRP, maliban sa buwanang sistema ng pagbabayad, maaari rin bayaran ng buo ng miyembro ang balanse ng kanyang utang pati ang interes. Alinman sa dalawang paraan ng pagbabayad ay aalisin ng SSS ang loan penalties kapag natapos bayaran ng miyembro ang restructured loan.
Sino ang maaaring mag-apply sa SSS Loan Restructuring Program?
Maaaring mag-apply sa program ang mga miyembro na may past due loan tulad ng:
- Salary Loan
- Emergency Loan
- Educational Loan (old)
- Study Now Pay Later Plan
- Voc-Tech Loans
- Y2K Loans
- Investments Incentive Loan.
- Dapat ay naninirahan o nagtatrabaho ang miyembro sa lugar na nasalanta ng kalamidad na idineklara ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) o ng National Government.
Read Also: Updated SSS Contribution Table 2018
“Hindi matatakasan ng mga miyembro ang pagbabayad ng utang sa SSS. Kahit na hindi nila ito bayaran ngayon, ibabawas ang utang pati na ang interes at multa sa kahit na anong benepisyo na maaari niyang tanggapin sa oras ng retirement, total disability o kamatayan,” ani Dooc.
Pinaalalahanan din ni Dooc ang mga miyembro na mayroong aprubadong loan condonation application noong April 2016 to April 2017 na hindi na sila maaaring mag-apply pang muli sa LRP ngayong taon.
Gayundin, ang mga maaaprubahang aplikante sa LRP ngayong taon ay hindi na rin maaaring mag-apply sa kahit anong LRP o anumang loan condonation program na ipapatupad uli ng SSS para maging responsable sa pagbabayad ng utang ang mga miyembro ng pension fund.
Para makapag-apply sa LRP, kailangan na ang utang ay hindi nabayaran ng anim na buwan mula sa ikalawang pagpapatupad ng LRP. Dapat din na ang miyembro ay naninirahan o nagtatrabaho sa lugar na idineklarang calamity area na mapapatunayan sa pipirmahan niyang Affidavit of Residency na kasama sa aplikasyon sa LRP.
Hindi maaaring mag-apply sa LRO ang miyembro na nabigyan ng final benefit claim tulad ng retirement at total disability bago ipinatupad ang ikalawang LRP. Gayundin, bawal mag-apply sa LRP ang mga mga miyembrong kinasuhan dahil sa panloloko laban sa SSS.
“Kahit na maiksing panahon lamang o anim na buwan ipapatupad ang LRP, inaasahan pa rin natin na makalikom ng P1.2 bilyon na kita mula sa programa at matatanggal ang halos P2.85 bilyon na multa sa utang ng ating mga miymebro. Tulong ito sa ating mga miyembro upang mabayaran ang kanilang mga obligasyon sa SSS sa mas magaan na paraan para matiyak na pakikinabangan nila ang mga benepisyo sa SSS sa darating na panahon. Alam namin sa SSS na ang karamihan o halos lahat ng aming mga miyembro ay nakaranas ng mga hamon sa buhay sanhi ng mga kalamidad,” ani Dooc.
Guide in Application for SSS Loan Restructuring Program
You may get the downloadable application form in this link.
Originally posted at SSS Facebook Page.
Pano po pag hindi nakaabot sa LRP? Possible pa po ba makahabol? Dahil late q na nalaman about sa lrp thanks
Hi! Extended ang SSS Loan Restructuring until April 2019. Stay tune sa next posts namin.
Meron po bang medical assistants ang sss? Pano po mkkakuha?
SSS do have financial assistance thru loans. Inquire to the nearest SSS office.
ask ko lang po..nag apply po last tym bg condonation..kaso nakalimutan ko bayaran sa due date mismo..can i apply for emergency loan…cguro po naka 3 or 2 hulog lang ako dun …salamat po..
Please direct your inquiry to SSS Official Facebook Page.
Pag nkaavail na ng LRP and 1st payment ng MA is ngayong august, for the month of july yun, tama po ba? Wala kasi s printout
Inquire sa SSS Official FB Page: https://www.facebook.com/SSSPh/
dear sir mari po sana kong pude po ba akong mag apply kahit noon pang 2004 pa ang salary loan at isa lang buwan ang nababayd dahil lumipat po ng ibangn trabaho sana bigyan mo ng sagot
puede po bang mag apply ng lrp kahit noon pang 2005 ang salary loan
Better inquire directly sa SSS Facebook Page: https://www.facebook.com/SSSPh/
Directly inquire po kayo sa SSS FB Page: https://www.facebook.com/SSSPh/
Can I still possibly avail this Loan Restructuring Program (LRP), even if I had already filed my Multi-Purpose Loan (MLP)?
Better inquire the SSS FB Page: https://www.facebook.com/SSSPh/
Dati po akong miyembro ng sss nong nsa private pa ako gamit ang maiden name ko. Ngayon po na married na ako at nagttrabaho na sa government ay nais na ipagppatuloy ang aking sss. Ano po ang steps na dpat kong gawin? Salamat po.
Go to SSS branch kung saan ka nag-apply dati. They will answer all your questions po.
Hi,
For ex-Oger OFW in JEDDAH, how can we avail of this SSS Loan Restructuring?
Please respond.
Paano mag-apply ng Loan Restructuring Program kung ako ay OFW?
Mga kailangang forms:
-Application Form
-Statement of Loan Balance (ibibigay sa SSS Branch)
-Affidavit of Residency
-Special Power of Attorney (para sa OFW na ipapa-lakad ang application sa kamag-anak o asawa)
Paano mag-apply?
-Para sa mga OFW, maaring personal na mag-file ng SSS Loan Restructuring Program sa SSS Foreign Office. Maari ring ipa-lakad ang application sa asawa o kamag-anak sa anumang SSS Branch sa Pilipinas sa kondisyon na mayroong Special Power of Attorney ang representative mula sa SSS member-borrower.
-Mag-dala ng dalawang valid ID ng SSS member-borrower, at ng filer (kung ipapa-lakad sa representative). Siguraduhin na isa sa 2 ID ay mayroong pirma at picture.
-Kung personal o representative man ang mag-aapply ng Loan Restructuring Program:
(a)Sagutan ang Loan Restructuring Application Form (MLP-01263) ng isang kopya. Gumamit ng itim na tinta lamang.
(b)Kumuha ng Statement of Loan Balance for Loan Restructuring Program (2 kopya) mula sa pinakamalapit na SSS Branch.
-Accomplish the Affidavit of Residency na nagsasabi na ikaw ay nakatira o nagtrabaho sa isang calamity area. Pagkatapos fill-upan ay ipa-notaryo. Ang mga SSS member-borrower na may Calamity Loan o Salary Loan Early Renewal Program (SLERP) ay di na kailangang mag-sumite ng Affidavit of Residency.
-Magsumite ng application form at iba pang requirements sa pinkamalapit na SSS Branch o Foreign Office.
Magkano n poh ang interest nong salary loan q nong 2013 d qna poh kc nbyran hnggang ngaun ang loan q poh non ay 12,870.00
Punta po kayo sa nearest SSS Office starting April 2. Doon po masasagot ang katanungan ninyo.