The Department of Finance (DOF) has updated their Tax Calculator upon the implementation of the Tax Reform Law. Every taxpayer should know the details of Tax Reform Law (TRAIN) which was signed by President Rodrigo Duterte into law on December 19.
Ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) ay naghahangad na baguhin ang kasalukuyang sistema ng pagbubuwis upang gawin itong simple, makatarungan, at mas mabisa. Sa pamamagitan ng TRAIN, ang bawat Pilipino ay maga-ambag sa pagpondo ng mas maraming imprastraktura at mga serbisyong panlipunan para mawala ang matinding kahirapan at mabawasan ang hindi pagkakapantay-pantay. Ang TRAIN ay prayoridad na reporma ng administrasyong Duterte.
Go to https://taxcalculator.dof.gov.ph
https://taxcalculator.dof.gov.ph
Mga Tanong Patungkol sa Tax Reform
Sino ang makikinabang sa mga pagbabago sa PIT?
Hindi na bubuwisan ang unang 250,000 ng taunang kita. Sa pangkahalatan, tataas ang kita ng 99.9% ng mga nagbabayad ng buwis, dulot ng paggalaw sa mga saklong ng kita at pagbaba ng antas ng buwis. Upang mapanatliting progresibo ang Sistema ng pagbubuwis, ipapataw ang mas mataas na antas na 35% sa pinakamayamang 0.1% ng mga nagbabayad ng buwis.
Sakop ba ng buwis ang bonus at iba pang benepisyo?
Hindi sakop ng income tax ng mga bonus at benepisyo na aabot sa 90,000. (Iniakyat ang exemption mula 82,000). Alinsunod sa layuning gawing simple ang sistema ng pagbubuwis, pasok na sa pinataas na exemption ng 250,000 ang kasalukuyang personal exemption at exemption para sa mga may dependent. Exempt din ang de minimis benefits. Tinaas naman ang buwis sa fringe benefits sa 35%, katulad ng pinakamataas na antas para sa PIT.
Bakit kailangang magpataw ng karagdagang buwis sa produktong petrolyo?
Hindi binago sa loob ng 20 taon ang buwis sa petrolyo. Dulot ng inflation, lumiit na ang halaga nito at ang nakokolektang buwis mula rito. Lumiit din ang kakayahan ng buwis na ito na limitahan ang pagkasirang pangkalikasan at pangkalusugan na dulot ng polusyon. Dahil mayayaman ang kumukonsumo ng karamihan ng petrolyong gingagamit ng bansa, isang subsidiya sa mga mayaman ang mababang buwis sa langis. Dulot ng pag-akyat sa buwis sa petrolyo, matitigil ang subsidiyang ito at tataas ang ponding malilikom para pagpapatayo ng imprastrukturang tutulong sa pagtugon sa matinding trapiko.
Bakit hindi mababawasan ang antas ng VAT?
Isa ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamataas na antas ng VAT ngunit may pinakamaraming VAT exemption sa Timog Silangang Asya. Ginagawa nitong komplikado ang sistema ng VAT at mahirap ang pagkolekta ng buwis. Makakatulong sa pagbawas ng VAT sa hinaharap ang pagtugon sa mga problemang ito. Pinasawalang-bisa ng TRAIN ang 54 sa mga exemption, upang maging mas patas ang sistema ng VAT. Mananatili naman ang mga VAT exemption para sa senior citizen at mga may kapansanan.
Bakit kailangang baguhin ang buwis sa mga sasakyan?
Ginawang simple ng TRAIN ang buwis sa mga sasakyan at hinihikayat ang paggamit ng mga mas epektibo at makakalikasang alternatibo. Hindi na bubuwisan ang mga pawing electric na sasakyan, at ang mga hybrid naman ay kalahati lamang ng buwis ang kailangang bayaran.
Bakit SSB at hindi asukal mismo ang bubuwisan ng TRAIN?
Mura at madaling mabili ang mga SSB, subalit lingid sa kaalaman ng maraming konsumidores, walang halaga sa nutrisyon ang calories mula sa SSB. May mga pangmatagalang epekto rin sa kalusugan ang madalas na pag-inom ng SSB. Sa pagpataw ng buwis sa SSB, hinihikayat ng TRAIN ang mga pagpipiliang makabubuti sa kalusugan upang masiguro ang pagiging produktibo ng mga mamamayan.
Useful Articles:
- Revised Withholding Tax Table | Bureau of Internal Revenue
- PDF Download Link of TRAIN or Republic Act RA 10963
- Highlights of Tax Reform Law 2018 (TRAIN)
- Take Home Pay Under 2018 Tax Reform Law
- Salary Standardization Law (SSL) Effective January 1, 2018 | Third Tranche
Source: https://taxcalculator.dof.gov.ph
Leave a Reply