Weather Terminologies | Frequently Asked Questions

Ito ang ilan sa mga weather terminologies na dapat nating malaman at maintindihan.

Ano po ba ang Thunderstorm?

Ito ay local scale weather system, ibig sabihin masamang panahon sa maliit na lugar at panandalian lang, na maaring magdala ng mabigat na buhos ng ulan, malakas na hangin at may kasama pang pagkulog at pagkidlat. Ang isang thunderstorm ay maaring magtagal sa loob ng 2 oras.

Ano po ba ang Tornado?

Ang tornado ay ang malakas na pag-ikot ng hangin na galling sa isang severe thunderstorm na maaring magdala ng hangin na hihigit sa 400 km/hr. Ito ay kadalasan nabubuo sa isang patag na lugar na maaring umabot ng 2 milya at nagtatagal ng hanggang 30 minuto.  Ang pinsala dulot ng tornado ay doon lamang sa mga lugar na dadaan nito.

Ano po ba ang hail?

Ang hail ay yelo na bumabagsak galling sa isang severe thunderstorm. Nabubuo ang hail kapag masyadong mainit ang isang lugar na magdudulot ng pagtaas ng mga water vapor na maaring lumagpas sa tinatwag na freezing level kung saan ang mga water vapor ay pwedeng magfreeze at maging isang yelo. Kapag marami nang yelo na sa itaas ng isang thunderstorm clouds ito ay bumabagsak sa lupa bilang isang hail. Ang hail ay bumabagsak sa bilis na  mahigit 100 kph.

Ano po ba ang ITCZ?

Ang ITCZ o Intertropical Convergence Zone ay ang lugar kung saan ang hangin ng Northern Hemisphere at Southern Hemisphere ay nagtatagpo na nagdudulot ng mga sama ng panahon tulad ng mga LPA at Bagyo.

Ano po ba ang bagyo?

Ang Bagyo ay isang malawakang weather system na mula 150 km ang radius o at least 300 km ang lawak nito nagdadala ng mga malakas na hangin at mabigat na buhos ng ulan. Ito namamataan dahil pag-ikot ng mga ulap o meron nang circulation.

Ano po ba ang PAR?

Ang PAR o Philippine Area of Responsibility ay ang lugar na itinakda ng World Meteorological Organization (WMO) sa PAGASA upang bantayan at magbigay ng impormasyon tungkol sa pamumuo ng sama ng panahon tulad ng Bagyo sa local na lugar at sa internasyunal.

Anu-ano ang classification o kategorya ng bagyo?

Ang lakas ng Bagyo ay depende sa lakas na dalang hangin at hindi sa daming dala ng ulan. Ang pinakamababang classification Bagyo ay TROPICAL DEPRESSION, ito ay ang Bagyo na may dalang hanging 45 kph to 63 kph malapit sa gitna, samantala ang Tropical Srorm ay bagyong may hanging 64 kph to 118 kph at Typhoon  kapag ang Bagyo ay may dalang hanging hihigit sa 118 kph. Walang Supertyphoon classification ang PAGASA.

Paano nagbibigay ng pangalan ang Bagyo?

Ang pangalan ng mga Bagyo ay nakadepende sa taon kung kalian ito nabuo. Meron nang mga nakalaang pangalan ng mga Bagyo taun-taon at nagpapalit palit ito tuwing ikaapat na taon dahil merong 4 na column na pangalan ng Bagyo na ginagamit ito ay makikita sa http://kidlat.pagasa.dost.gov.ph/

Maari bang matanggal sa listahan ang pangalan ng isang Bagyo?

Maari matanggal ang pangalan ng bagyo sa listahan kung ang damage ng bagyo ay aabot ng 1 Bilyong Piso o kung ang dami ng namatay ay aabot ng 300 o pataas.

Ilang bagyo ba ang inaasahan sa Pilipinas taun-taon?

Merong inaasahang 20 tropical cyclone ang pumapasok o namumuo sa Philippine Area of Responsibility taun taon on the average at 8 or 9 dito ay naglalandfall.

Anu po ang ibig sabihin ng landfall ng bagyo?

Ang landfall ng bagyo ay nangangahulugan na ang sentro o mata ng bagyo ay tumama sa anumang kalupaan ng bansa. Hindi ito kaparehas ng pagpasok ng bagyo sa PAR dahil sa kalayuan ng boundary ng ating ating PAR sa kalupaan ng bansa upang bigyan ng panahon upang makapaghanda ang mga tao.

Anu-ano po ba ang Public Storm Warning Signal?

Ang Public Storm Warning Signal ay babala na inilalabas ng PAGASA upang ipaalam sa publiko ang mga maaring epekto ng dalang hangin ng isang Bagyo. Merong 4 na Public Storm Warning Signal na inilalabas ang PAGASA; una na dito ang PSWS #1, kung ang hanging dala ng Bagyo ay mula 45 kph hanggang 60 kph na inaasahan sa loob ng 36 na oras, samantala PSWS #2 kung ang hanging dala ng Bagyo ay mula 61 kph hanggang 100 kph na inaasahan sa loob ng 24 hours, PSWS#3 naman kung ang hangin ay mula 101 hanggang 185 kph na inaasahan sa loob ng 18 oras at PSWS #4 naman kung ang hangin ng Bagyo ay mahigit sa 185 kph.

Source: pagasa.dost.gov.ph

Useful Articles:

BE UPDATED!

Sign up and be the first one to get notified on new updates from GovernmentPH.com about SCHOLARSHIPS and other related articles (job opportunities, free seminars and trainings, scholarship, and government memorandum circulars).