You can now apply for 2019 Civil Service Exam (Second Batch)

The application for the 2019 Civil Service Exam (Second Batch) is now open. You can apply starting May 6, 2019 until June 5, 2019. Here are the most frequently asked questions (TagLish):

2019 Civil Service Exam (Second Batch) Details

1. Kailan ang susunod na Civil Service Exam?

Ang 2019 CSE PPT first batch ay tapos na last sa March 17, 2019. Ang 2019 CSE PPT second batch naman ay sa August 04, 2019. Ang start ng application ay sa May 06, 2019 at ang deadline ng application ay sa June 05, 2019.

May cut off ang APPLICATION. May quota. Huwag ugaliin ang LAST MINUTE kasi ikaw ang talo.

2. Ano ang mga requirements?

(a) Fully accomplished form. Dapat ang form ninyo ay yung latest na revision. (DOWNLOAD the PDF File of the application form HERE). Print niyo po sa long (legal) bond paper. May forms din sa mga CSC Offices na pwedeng hingin kung sakaling hindi ka makapag-print.

(b) Four copies of identical passport size pictue. Basahin ang buong specifications ng picture: Passport Size Picture CSE.

(c) Original and photocopy of any valid ID. Andito sa link ang lahat ng valid ID na pwede: Valid IDs for CSE Application.

May pagkakataon na maaring hingin ng CSC officer ang iyong Birth Certificate KUNG WALANG DATE OF BIRTH NA NAKASAAD SA VALID ID NA IYONG IPAPAKITA. Tinatawag itong supplementary requirement.

(d) Application fee (P500).

3. What’s next? Saan ako mag-file?

Kapag ok na ang application form, pictures and ID. Pumunta sa nearest branch ng CSC. Eto ang link list ng lahat ng CSC branch per region: CSE Regional and Field Offices. Nariyan na rin ang email address at phone numbers na maari mong tawagan kung may iba ka pang katanungan.

4. Nakapasa na ako sa Board Exam, pwede pa ba akong kumuha?

OO. Option mo iyon PERO EXEMPTED KANA.

Cum Laude ako, dapat/pwede ba akong kumuha?

OO ulit. Option mo iyon kagaya ni Board Passer PERO EXEMPTED KAYO.

Kung nais mong malaman kung sino pa ang exempted kumuha ng CSE, andito sa link ang listahan: List of Exemptions.

Kung paano kumuha ng ELIGIBILITY ang mga EXEMPTED, maaring tawagan na lamang po ninyo ng direcho si CSC para sa impormasyon. Eto po ulit: CSC Directory.

5. Magkaiba pa ang Pen and Paper Test (PPT) sa Computerized Examination (COMEX)?

Yes in a sense. May sariling schedule ang COMEX. Kung nais mong malaman ang pagkakaiba ng PPT sa COMEX read CSE PPT vs CSE COMEX.

Ang schedule naman ng COMEX ay andito sa COMEX 2019 Schedule. Pero lagi kasing down ang site nila at hirap makapaggawa ng account. Try mo ng madaling araw mag-check baka makapasok ka.

6. Magkano ang examination fee?

P500 po sa PPT at P680 sa COMEX.

7. Ano ang coverage ng exam?

Andito ang Scope and Coverage para sa Pro at Sub-Pro. Saka kung ilang test items at time limit.

Ang passing rate po ay 80% para sa parehong level.

8. High school graduate lang ako, pwede ba ako kumuha ng exam?

OO naman! Basta 18 years old pataas pwede.

Dapat ba may 72 units ng college para mag-apply sa Professional category?

Hindi requirement sa pagkuha ng CSE ang Educational Attainment.

9. Ano ang pinagkaiba ng Professional at Sub-Professional Civil Service Exam?

Mas malilinawan ka kung babasahin mo ang article na ito: CSE Pro vs CSE Sub-Pro at baka sinagot na rin namin dito ang mga iba mo pang mga tanong.

10. May free reviewers po?

Marami!!! Click this: CSE Reviewers Compilations and see the FILES section of Facebook Group: Civil Service Exam 2019 Community.

11. Open ba ang CSC branches kapag Sabado o Linggo?

Nope. M-F lang. 8AM – 5PM. No noon break.

12. May limit ba ang pagkuha?

WALA PO.

13. Saan gaganapin ang exams?

Ang CSE-PPT po ay ginaganap sa ASSIGNED SCHOOLS na itinatakda ng CSC.

14. Kung taga-Laguna po ako, pwede ba ako magfile sa Manila?

Kung saan ka nagfile, doon ka mapapa-assign for th exam.

Civil Service Exam 2019 August

BE UPDATED!

Sign up and be the first one to get notified on new updates from GovernmentPH.com about job opportunities, free seminars and trainings, scholarship, and government memorandum circulars.

12 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*